Guidelines sa mga out-of-school activities ilalabas na ng Commission on Higher Education

Isasapubliko  na ng Commission on Higher Education ang guidelines para sa out-of-school activities sa mga susunod na linggo kapag inaprubahan na ng Commission en banc.

Ayon kay  CHED Commissioner Prospero de Vera mas pinalawak ang sakop ng bagong guidelines.

Giit ni de Vera,  hindi na lamang ang mga education trip ang ipagbabawal kundi lahat ng mga aktibidad ng mga estudyante na ginagawa sa labas ng paaralan gaya ng retreat at immersion program.

Katuwang naman ng CHED sa pagbuo ng bagong guidelines ang Land Transportation Office , Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Department of Tourism  upang bantayan ang kapakanan ng mga estudyante.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *