Guidelines sa pagpapatupad ng granular lockdown sa NCR sa ilalim ng GCQ , pinaplantsa pa ng IATF – Malakanyang
Inaayos pa ng Inter Agency Task Force o IATF ang guidelines ng granular lockdown na ipatutupad sa National Capital Region o NCR na isasailalim sa General Community Quarantine mula September 8 hanggang September 30.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque mayroon pang mga detalye ng granular lockdown guidelines ang kinakailangan na pag-usapan ng mga stakeholders.
Ayon kay Roque kailangan na magkasundo ang lahat ng mga local government executives sa Metro Manila sa ilalabas na granular lockdown guidelines.
Inihayag ni Roque na mayroong modification sa orihinal na guidelines ng IAFT sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ dahil sa pagpapatupad ng pilot testing ng granular lockdown sa NCR.
Ipinahiwatig ni Roque na sa pagpapatupad ng granular lockdown sa NCR habang umiiral ang GCQ ay magkakaroon ng alert level classification ng COVID 19 status ang bawat local government units o LGU’s.
Vic Somintac