Guimaras, isinailalim sa State of Calamity dahil sa dengue
Isinailalim na sa State of Calamity ang buong Guimaras dahil sa patuloy na pagtas ng kaso ng dengue.
Inaprubahan ng Sangguniang Panglalawigan sa sesyon kahapon, July 30 ang deklarasyon para sa State of Calamity.
Layon ng deklarasyon na magamit ang 5 porsyento ng kabuuang 2019 budget ng lalawigan bilang quick response fund para masugpo ang dengue.
Mula January 1 hanggang July 20, 2019, umabot na sa 893 ang kaso ng dengue sa Guimaras, mas matas ng 1,439.7 percent kumpara sa nitala sa kaprehong panahon noong 2018 na may 58 na kaso lamang.
Apat na ng namatay dahil sa dengue sa lalawigan.
Please follow and like us: