Guinness World record for Largest Charity Walk on a single Venue, nasungkit muli ng INC

Hawak pa rin ng Iglesia ni Cristo ang World record para sa Largest Charity Walk on a Single venue.

Naungusan ng INC ang sarili nitong World record na nakuha nito noong 2014 sa isinagawa ring Worldwide Walk for typhoon Haiyan victims na may 175, 509 participants.

Habang kahapon, May 6, 2018 Worldwide Walk-Fight against Poverty ay naitala ng Guinness world record ang may 238, 171 participants sa main venue na ginanap sa Quirino Grandstand sa Roxas boulevard, Pasay City.

Inilarawan namang “Sea of people” ng Manila Police district o MPD ang tinatayang 1.5 milyong katao na dumalo at lumahok sa nasabing event.

Bukod sa Largest charity walk o a single venue, dalawa pang World record ang nakuha ng INC sa iisang araw. Ito ay ang Largest Human Sentence at ang Largest Picture mosaic formed by People.

Ayon kay Adam Brown, Guinness official adjudicator, dalawa pang world record ang kanilang bineberipika. Ito ay ang Largest Charity Walk in multiple Venues at Most Nationalities in a Charity Walk.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *