Guinness world record para sa ‘Largest Zumba class,’ nasungkit ng CamSur

                                              photo credit: rmn.ph

 

Matagumpay na nasungkit ng lalawigan ng Camarines Sur ang Guinness World record para sa Largest zumba class sa buong mundo  matapos na umabot  sa halos 17,000 katao ang nakiisa sa isinagawang grand Zumba kontra droga sa Capitol compound sa Barangay Cadlan, Pili, Camarines sur.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Philippine army, Philippine National Police, iba’t- ibang ahensya ng pamahalaan, mga private sector, at mga grupo na sabay-sabay na nagsayaw sa loob ng 30 minuto.

Ayon kay Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, labis niyang ipinagmamalaki ang pagkilalang nakuha ng lalawigan kasabay na rin ng pagdiriwang ng 439th foundation anniversary nito.

Dagdag pa ng 29-anyos na Gobernador, isa rin itong pagpapakita ng pakikiisa ng Camarines Sur sa kampanya kontra iligal na droga ng kasalukuyang administrasyon.

Tinalo ng CamSur sa naturang Guinness world record ang Mandaluyong city na mayroong mahigit 12,000 na mga kalahok para sa Largest zumba class.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *