Gulf Coast ng Florida tinutumbok ng Hurricane Debby
Inaasahang mananalasa sa Big Bend region sa Gulf Coast ng Florida ang Hurricabe Debby, bago mabagal na tatawid sa estado, na magdudulot ng potensiyal na mapanganib na storm surges at mapaminsalang mga pagbaha.
Sinabi ng National Hurricane Center (NHC), na hanggang alas-11:00 ng gabi nitong Linggo, napanatili ng hurricane ang hangin na 75 mph (120 kph), na lumakas mula sa isang mabagal na kumikilos na tropical storm na nakaipon ng lakas mula sa mainit na Gulf waters. Malamang na lalo pa itong lumakas.
Sa pagtaya ng hurricane center ay magkakaroon ng life-threatening conditions, kabilang ang storm surges ng hanggang 10 talampakan (3 metro) sa ilang lugar.
Habang mabagal na kumikilos pa-hilaga, ang bagyo ay maaaring magdala ng “potentially historic rainfall” na nasa pagitan ng 10 at 20 pulgada (25 at 50 sentimetro) at mapaminsalang mga pagbaha sa Georgia at South Carolina.
Ang local areas ay maaaring magkasoon ng 30 pulgada ng ulan pagdating ng Biyernes ng umaga.
Sinabi ni Jamie Rhome, deputy director ng hurricane center, “This is going to be the story of this storm. It’s slow motion is going to dump historic amounts of rainfall — potentially over 20 inches. You’re talking about catastrophic flooding.”
Taglay ng Hurricane Debby ang ilan sa ‘hallmarks’ ng Hurricane Harvey na tumama sa Corpus Christi, Texas, noong Agosto 2017. Nang ibaba ito sa antas bilang tropical storm habang kumikilos papasok sa bansa, nagtagal ito sa ibabaw ng estado, at nagbagsak ng nasa 50 pulgada ng ulan sa Houston.
Ang Hurricane Harvey ay ibinibilang na isa sa ‘wettest storms’ sa kasaysayan ng US, na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 100 at pinsalang aabot sa $125 billion, na ang pinakamalaking dahilan ay pagbaha sa Houston metropolitan area.
Ayon kay Rhome, “Debby was fueled by exceptionally warm Gulf waters.”
Bilang paghahanda naman, ay ipinatawag ni Florida Governor Ron DeSantis ang 3,000 National Guard troops at isinailalim sa emergency orders ang karamihan sa mga siyudad at counties ng estado, habang ipinag-utos din ang mandatory evacuations sa ilang bahagi ng Gulf Coast counties ng Citrus, Dixie, Franklin, Levy at Wakulla.
Sinabi ni DeSantis, na mayroong mahigit sa 17,000 linemen at iba pang electric workers rang nakahandang magpabalik sa serbisyo ng kuryente.
Samantala, nagdeklara na rin ng states of emergency ang mga gobernador ng Georgia at South Carolina bago pa dumating ang bagyo.
Ayon sa NHC, “Debby became a tropical storm late on Saturday after pushing off north Cuba. As of 11 p.m. EDT, the hurricane was about 100 miles west of Tampa and moving toward the Gulf Coast at 12 mph (19 kph), with maximum sustained winds of 75 mph (120 kph).”
Dagdag pa nito, ang mata ng Hurricane Debby ay kikilos sa buong eastern Gulf of Mexico at darating sa Florida Big Bend coast katanghalian ng Lunes. Pagkatapos ay inaasahang mabagal itong kikilos sa magkabilang panig ng northern Florida at southern Georgia sa Lunes at Martes.
Inaasahang bahagyang hihina ang bagyo matapos maglandfall ngunit magdadala ng malakas na mga pag-ulan sa magkabilang panig ng central Florida palabas sa Atlantic coast, bago gagapang patungo sa Savannah, Georgia, pagkatapos ay tutuloy sa Charleston, South Carolina, sa linggong ito, at mananatili habang nagbabagsak ng malakas at maraming ulan.
Ang tinayang storm surges para sa Bonita Beach pahilaga hanggang sa Tampa Bay ay maaaring magresulta ng mga alon sa dagat nang higit sa normal, na makapipinsala sa mga istruktura.
Ang huling bagyong direktang tumama sa rehiyon ng Big Bend ay ang Hurricane Idalia, na panandaliang naging Category 4 ang lakas bago naglandfall bilang Category 3 noong August 2023, na may hanging mahigit sa 125 mph. Sa pagtaya ng National Centers for Environmental Information, aabot sa $3.5 bilyon ang naging pinsala.
Inaasahan ng mga forecaster ang isang malaking bilang ng mga bagyo sa Atlantiko sa 2024 season, na nagsimula noong Hunyo 1, na may apat hanggang pitong nakikita na magiging major hurricanes. Malalampasan nito ang record-breaking season noong 2005 na nagbunga ng mga mapangwasak na Hurricane Katrina at Rita.