Gunman ng pamilya Teves sa Dumaguete city, arestado sa Kampo Crame
Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isa sa sinasabing gunman ng pamilya Teves sa Dumaguete City.
Hindi nakapalag si Police Staff Sergeant Noel Alabata Jr., alyas Alfonso Edena Tan, nang arestuhin ng mga operatiba ng CIDG sa harap ng tanggapan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Kampo Crame.
Ayon kay CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat, si Alabata ang ginamit na gunman ng pamilya Teves sa Dumaguete City laban sa isang alyas ONG na umanoy kakumpitensya nila sa negosyo.
Inaresto ang suspek sa bisa ng 2 warrant of arrest sa kasong attempted murder at attempted homicide na inisyu ng Dumaguete City Regional Trial Court.
Si Alabata ay dati umanong nakatalaga sa PDEG sa Region 6.
Nasa kustodiya na ng CIDG Special Operations Unit (SOU) ang suspek na isinailalim sa documentation at booking process habang hinihintay ang commitment order mula sa korte
Mar Gabriel