Gusto mo ba ng masarap na kalderetang chicken feet?
Mga kapitbahay, kumusta?
Nitong nagdaang linggo ay nakakwentuhan natin si Chef Rico Echevarria at gusto kong ibahagi ang napag-usapan namin.
Ito ay ukol sa kanyang nadebelop na recipe, ang chicken feet kaldereta.
Simple, mura at masarap. Sa madaling salita, masarap at kasya sa budget .
Banggit niya na noong high school pa niya nadebelop ito, pero, itinago niya muna hanggang sa kamakailan ay isinali sa isang kumpetisyon at napili para mapasama sa isang cook book.
Naku mahigit daw 500 daw ang nakilahok at mapalad na ang recipe niya ay isa sa napili.
Kung karaniwang ginagawa natin sa chicken feet ay adobo at tinola, ngayon ay puwede na ring gawing kaldereta.
Ang kaldereta pa naman habang tumatagal ay lalong masarap ang lasa, parang adobo .
At hindi rin mahirap hanapin ang ingredients o sangkap , puwedeng mabili sa palengke , grocery, tindahan.
Easy to access, madaling mabili ika nga.
Narito mga kapitbahay kung paano lutuin ang chicken feet kaldereta :
- Ilagay sa freezer ang chicken feet matapos na linisin ng baking soda para maalis ang lansa o anggo ng chicken feet.
- After freezing, iprito para ang laman ng chicken feet ay hindi matanggal sa buto.
- After frying, pakuluan ito hanggang sa lumambot .
- Maggisa ng bawang, sibuyas, lagyan ng liver spread, paprika, cayenne pepper , carrots, patatas, bell pepper, at tomato paste. Paghaluin lamang .
- Ang pinagpakuluang sabaw ang ipansasabaw sa pinaghalong sangkap.
- Maaaring lagyan ng gata o wala (optional ).
Nais kong magpasalamat kay Chef Rico sa pagbahagi niya ng kanyang simple, mura at masarap na chicken feet kaldereta. Try na natin mga kapitbahay !