Gusto mo bang maging Digital Marketer?
Happy day sa lahat, mga kapitbahay!
Dahil karamihan o halos lahat na yata ay connected na sa internet ngayon, kaya marami na ang nasa online business.
Si Mr. Chester Rosales ay isang digital marketer at siya ay nakakuwentuhan natin sa programa, narito ang kaniyang mga ibinahagi…..
Ang sabi niya, kung gusto mong i-market ang produkto o service o expertise, isa sa magandang paraan ay through online.
Bilang isang digital marketer, hindi kailangan na nagtapos ka sa kolehiyo dahil siya mismo ay isang out of school youth at nakatulong sa kaniya ang Alternative Learning System o ALS.
Naniniwala si Chester na kaya mong aralin ang isang bagay, once na may willingness na matuto.
Kaya kung nais magsimula sa digital marketing, dapat alamin muna kung ano ang field na papasukan, especially if you are selling your services lalo na sa online dahil sa napakalawak ng competition, at kung produkto ‘yan, dapat ay consistent ka sa pagpost ng mga paninda mo.
May tinatawag na video marketing, ito na aniya ang trending sa ngayon.
Makatutulong kung madali kang makausap lalo na yaong mga nagla-live selling.
Dapat ma-enhance ang skill sa pakikipag-usap sa tao.
At para lalong maintindihan ng viewers ang iniaalok mong produkto o serbisyo.
Para kay Chester challenging ang pagiging digital marketer lalo na kung baguhan sa ganitong larangan.
Hindi basehan kung may experience o wala.
Ang mahalaga aniya, alam mo ang ginagawa mo, kabisado ang iniaalok mong produkto o service, lalabas lang na natural ang pakikipag-usap.
Samantala, 2011 nagsimula si Chester sa pagiging digital marketer hanggang sa ginawa na niya itong career noong 2017.
Nabanggit din niya na noong nagkaroon ng pandemic kung saan napakarami ang nakakulong sa bahay, kung kelan marami ang nawalan ng trabaho, pero sa pagkakatong ito nakita ang pag-angat ng industriya ng online selling.
Nag-boom talaga ang digital marketing at napakaraming kumita sa online selling.
At ito rin naman talaga ang naobserbahan natin mga kapitbahay, di ba?
At panghuli, ang kaniyang payo sa ating mga kapitbahay kung nais na magsimula ng negosyo online, marami aniyang opportunity especially sa live selling.
Pero dapat maging balance din tayo.
Huwag mawalan ng panahon o oras sa pamilya, hindi dapat na ubusin ang oras sa pagbebenta.
At laging tandaan na kailangang maunawaan at maipaliwanag mo sa customers kung ano ang iyong
produkto para maiwasan ang dissatisfied customer.
At ‘yan ay bahagi lamang ng ating interview with Mr. Chester Rosales.
Sana nakatulong sa inyo ang mga kaalamang ito, until next time!