Gusto n’yo rin bang magtravel sa 193 countries?
Hello, mga kapitbahay, kumusta na po kayo?
Nasa bucket list niyo rin ba ang makapagbiyahe o makapunta sa iba’t ibang bansa?
Sa isa sa mga naging episode natin sa programa, nakakuwentuhan natin si Ms. Odette Aquitania Ricasa, the first Filipino-American to travel 193 United Nations recognized sovereign countries, pitong kontinente.
Biruin n’yo naman mga kapitbahay, 193 countries ang napuntahan na niya!
She is 77 years old.
Ikuwento ko lang ang bahagi ng interview natin sa kaniya.
Sabi ni Ms. Odette, bata pa siya ay pangarap na niya talagang makita ang iba-ibang bansa hanggang sa lumaki at magdalaga siya hindi nagbabago ang pagnanais niya na makarating sa ibang bansa.
Kaya naman noong mag-edad 31 ay nagkatotoo na ang kaniyang pangarap.
Nag-apply siyang maging immigrant sa U.S.
Tamang tama dahil ang kaniyang kapatid ay nasa New York.
Pero sabi nga niya hindi naging madali ang pagpunta niya ng U.S. dahil two years din siyang naghintay.
At ang pera lang niya noon nang magpunta sa Amerika ay 50 dollars.
Ang kaniyang unang trabaho doon ay bookkeeper.
Siya ay kumuha ng Bachelor of Science in Accountancy dito at itinuloy doon at hanggang sa magretire ay Systems Analyst sa Los Angeles.
Her passion is to see the world kaya hanggang may pagkakataon ay talagang nagbibiyahe at namamasyal sa ibang bansa.
Una ay sa U.S. sumunod ay Canada, Mexico, tapos ay nagjoin siya sa group trips, at nagpunta sa Israel, Egypt, France, Germany, Italy at nagsunod-sunod na ang pagbibiyahe.
Sa mga bansang napuntahan niya, ang Spain ang gusto niyang binabalikan.
Sa katunayan, 57 times na siyang nakapagtravel sa Espanya.
Nahalina sa ganda ng bansa, sa pagkain nito, sa dami nang mapupuntahan.
Siyanga pala, naikuwento niya ang kaniyang unforgettable experience as a traveler.
At ito ay nang magbiyahe siya sa Sierra Leone, West Africa.
Alas dos ng madaling-araw siya dumating subalit ‘yung susundo ay hindi dumating.
Sobrang nerbiyos na niya hanggang sa isang umanong lalaki ang lumapit sa kaniya at nagtanong kung kailangan ba niya ng tulong?
Takot at hiya ang kaniyang damdamin subalit wala naman siyang choice, kaya sinabi niyang kung maaaring tawagan ang kaniyang kakilala subalit hindi naman ito makontak.
Wala siyang nagawa kundi ang sumama sa lalaki nang sabihin nitong sumakay na lang sa kaniyang kotse.
At habang nasa sasakyan ay ipinakita niya ang kaniyang bookmark sa lalaki sabay sabing siya ay isang book author.
Nagulat daw siya sa naging reaksyon ng lalaki dahil bakas sa mukha nito ang pagkagulat at kasiyahan. Ang sabi ng lalaki ay … this is the first time I am meeting a book author.
Kinamayan daw siya at dinala sa bahay nito na super laki at nalaman niya kinalaunan na mayaman at kilala pala ito.
Ipinakilala daw siya sa staff at naging sa bandang huli ay sinasabing …she is a writer!
Samantala, sabi ni Ms. Odette bago siya magbiyahe ay talagang nagri-research muna siya.
Pinaplano niyang mabuti at kung kinakailangan at mas madalas na pagkakataon, ‘yung magkakatabing bansa ang pinupuntahan niya.
Dito sa Pilipinas ay marami na rin aniya siyang napuntahan at target niyang bisitahin pagdalaw niya sa bansa ang Batanes, Tawi-Tawi at Siqujijor.
Ang kaniyang mensahe …. Travel is learning, kaya dapat bigyan ng panahon. Importante ang research sa bansang pupuntahan.
Do it with perseverance to achieve your goal, and she wants to be remembered as a person born to wander.
Mga kapitbahay, kelan ang inyong biyahe?
Until next time!