Gusto n’yo bang malaman ang pagkakaiba ng traditional sa functional orthodontics?

Ano ba ang orthodontics?  Ito ay isang field of dentistry, ang function ay ayusin ang 'crooked' na ngipin, mga mali-maling tubo ng ngipin, mga sungki-sungki at problema sa panga na hindi tama ang growth and development.

Ang traditional dentistry, ito naman ang nakagawian na practice. Pero, dahil sa continuing education, nagkakaron ng pagbabago. Nag-evolve ang dentistry. 

Ang  traditional orthodontics  ay more on aesthetics, more na nakatingin lang sa sa ngipin  para gumanda ang ngipin. Ang functional orthodontics naman o dento facial orthopedic ay nakatingin sa mukha, ngipin, panga, airway. Kaya nga kapag ngumanga ang isang pasyente, alam na agad ng functional dentist kung may problema.

Ang traditional orthodontics kadalasan nakafocus sa ngiping nakausli at hindi sa panga. 

Ang functional dentist ay hindi nagbabawas ng ngipin, manapa ay nagwa-widen o nag-e-expand.  Nakatingin sa buto, kapag makitid  ang palatal bone, pinalalapad. Ang functional orthodontics ay nagdaragdag ng flooring.

Samantala, sa nagtatanong tuingkol sa  DIY braces, ang masasabi natin … kung traditional nga marami ng epekto sa kalusugan, paano pa kaya ang DIY?

Tandaan na measured lahat ng ngipin.  Pagkabit nga ng  brackets may angulation na? Kaya ang mangyayari, destroy it yourself. Puwedeng isipin na makakamura kasi ako sa DIY braces kaysa pupunta pa ako sa isang dentista. Pero sa huli po, ang masasabi ko, masisira ang ngipin ninyo. Pati na ang facial symmetry. Sa halip na gumanda ay kabaligtaran ang nangyayari sa mukha. May side effect ang DIY braces. 

Paano ninyo malalaman na ang pinupuntahan ninyo ay functional o traditional orthodontist? 

Normally, ang traditional ay nagkakabit agad ng braces, at hindi kumpleto ang procedure.  Isang x-ray lang at walang masyadong analysis. Habang ang functional naman ay may complete diagnostic. Hindi lang isang x-ray ang ginagawa. 

Sana ay nakapagdag ng kaalaman ang ating napag-usapan ngayon at salamat ng marami po sa inyo, stay safe ! 
       
Please follow and like us: