Habagat na pina-igting ng super typhoon Betty, magpapa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas
Sa mga lugar na hindi direktang maapektuhan ng super typhoon Betty, sinabi ng state weather bureau PAGASA na paiigtingin nito ang Southwest Monsoon o Habagat.
Sa weather bulletin ng PAGASA kaninang alas-5:00 ng umaga, sinabi ng PAGASA na posibleng maapektuhan ng pinaigting na Habagat ang kanlurang bahagi ng MIMAROPA, Visayas, at Mindanao simula bukas, Linggo.
Sa Lunes at Martes, inaasahang mararanasan ang ulan na dala ng Habagat sa kanlurang bahagi ng MIMAROPA at Western Visayas, at posibleng sa kabuuan ng dalawang rehiyon.
Inaasahang magdudulot ito ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na mataas ang panganib sa ganitong hazard at sa mga lugar na nakaranas ng maraming ulan sa mga nkaraang araw.
Sinabi ng PAGASA na posible ring magdala ng malakas na hangin hanggang sa may pagbugso simula sa LInggo ng gabi o Lunes ng umaga sa Visayas, eastern portion ng Central at Southern Luzon, at sa northern at eastern portions ng Mindanao.
Weng dela Fuente