Habagat, patuloy na makakaapekto sa Northern at Central Luzon…Metro Manila, asahan ang maaliwalas na panahon ngayong araw

Patuloy na nakaka-apekto ang Habagat o Southwest monsoon sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa Pag-asa, ang bagyong Igme na may international name na “Bavi” na nasa labas na ng bansa ay huling namataan sa layong 825 kilometers North-Northeast ng Basco, Batanes.

Naiimpluwesyahan nito ang Habagat.

Dahil sa Habagat, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Ilocos Region, Batanes at Babuyan islands.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila, mararanasan ang maaliwalas at mainit na panahon maliban sa biglaang pagbuhos ng ulan sanhi ng localized thunderstorm.

Inaasahang aabot ng hanggang sa 33 degree celsius ang temperatura sa Metro Manila ngayong araw.

Fair weather naman ang mararanasan sa Visayas at Mindanao na may mga localized thunderstorm rin sa dakong hapon o gabi.

==============

Please follow and like us: