Permanent validity ng birth, death at marriage certificates, batas na
Habambuhay na ang bisa ng birth certificate, death certificate, at marriage certificate mula sa Philippine Statistics Authority at National Statistics Office.
Naglapse at naging batas na ang Republic act no. 11909 o “Permanent validity of the certificates of live birth, death, and marriage act.
Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla , isa sa pangunahing may akda ng panukala, hindi na kailangan pang gumastos at maglaan ng panahon ng ating mga kababayan para lamang kumuha ng bagong mga certificate.
Dati-rati kasi aniya kailangan pang kumuha ng birth, marriage at death certificates sa PSA makalipas ang kada anim na buwan.
Bukod sa naturang mga dokumento, permanent na rin ang validity ng mga dokumentong inisyu ng Local civil registries at Philippine foreign service posts.
Meanne Corvera