Hakbang ng DepEd na protektahan ang mga guro sa loan sharks pinaboran ng Kamara
Kinatigan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa hakbang ng Department of Education o DepEd na protektahan ang mga guro mula sa loan sharks o mapagsamantalang mga nagpapautang.
Sinabi ni Congressman Fidel Nograles na tama ang plano ng DepEd na magbigay ng legal at financial advice sa mga guro bago pumasok sa mga loan contract.
Ayon kay Nograles sa paraan na ito ay matitiyak na protektado at may sapat na kaalaman ang mga guro bago mangutang.
Batay sa record ng DepEd noong 2019 umabot sa 157.4 bilyon pesos ang loans ng mga guro sa Government Service Insurance System o GSIS.
Inihayag ni Nograles kailangang magbigay ng gabay ang legal department ng DepEd sa mga guro na mangungutang upang hindi sila mapagsamantalahan ng mga loan sharks.
Tiniyak ni Nograles na titingnan ng Kamara ang reglamento sa pangungutang ng mga guro sa mga financial institution kung kinakailangan ang Congressional action upang protektahan ang mga guro na nababaon sa utang.
Vic Somintac