Halaga ng langis sa World Market, umabot sa $112 kada bariles
Umangat muli sa higit 112 dollars ang halaga ng langis sa World market kahapon.
Ang International benchmark ng brent crude ay sumampa sa 112 dollars and 66 cents per barrel mula sa higit 111 dollars per barrel nitong miyerkules.
Habang Benchmark naman ng West texas intermediate ay umabot kahapon sa 109 dollars and 25 cents.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang pamahalaan ng United Arab Emirates na dagdagan ang kanilang produksyon ng langis para mai-supply sa pandaigdigang pamilihan.
Naniniwala ang UAE na ang katatagan ng energy markets ay kritikal para sa pandaigdigang ekonomiya.
Please follow and like us: