Halaga ng pinsala ng bagyong Ompong sa mga kalsada at tulay umaabot na sa mahigit 2-bilyong piso
Umaabot na sa mahigit dalawang bilyong piso ang halaga ng pinsala sa mga kalsada at tulay dahil sa bagyong Ompong.
Ayon sa DPWH, kabuuang 2.27 billion pesos ang partial cost ng pinsala na tinamo ng mga kalsada at tulay sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
Nagpapatuloy naman ang clearing operations at road and bridges restoration works ng Disaster Response Teams ng DPWH para agad mabuksan na ang mga kalsada sa trapiko.
Sa pinakahuling monitoring ng kagawaran, may 30 pang road sections sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region ang hindi pa rin pwedeng daanan ng motorista dahil sa epekto ng Ompong.
Karamihan sa mga ito ay mula sa CAR na aabot sa 24; dalawa sa Ilocos Region at apat sa Region 3.
Ulat ni Moira Encina