Halaga ng pinsala ng Bagyong Quinta sa mga imprastraktura sa bansa umabot na sa 58 milyon
Umabot na sa 58 milyong piso ang naitalang halaga ng pinsala ng bagyong quinta sa mga impraktura sa bansa partikular ang mga kalsada at tulay.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH, sa Region 2 ay umabot sa 30 Million ang naitalang pinsala habang sa Region 4-A ay P20 Million habang sa Region 5 naman ay P8 Million.
Samantala, bukas naman na ang lahat ng naapektuhang kalsada sa Bicol Region.
Sa ngayon ay tuloy tuloy ang clearing operations ng DPWH sa mga kalsadang naapektuhan ng bagyo.
Inihayag ng DPWH may 15 national road sections na lamang ang sarado pa sa mga motorista.
Sa Cordillera Administrative Region, Sarado parin ang Kennon Road; Tawang – Ambiong Road sa La Trinidad, Bengue.
Habang hindi pa naman ligtas daanan ang Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Calanasan, Apayao; at Tabuk – Banawe via Tanudan – Barlig Road sa Kalinga dahil sa mga nasirang kalsada.
Nananatili ring impassable ang Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge sa Cabagan, Sta. Maria, Isabela; bahagi ng Cadcadir- Kabugao Road; Logac Lasam Gagabutan Road Rizal Section sa Cagayan; at Manila North Road sa Sta. Praxedes, Cagayan .
Iniulat naman ng DPWH Region 3 na patuloy pa ang clearing operations sa bahagi ng Baliwag-Candaba -Sta. Ana Road sa San Agustin, Candaba, Pampanga; at Candaba – San Miguel Road sa Paralaya, Candaba, Pampanga.
Sa Region 4-A naman ay sarado pa ang Batangas Tabangao-Lobo Road; Talisay-Laurel-Agoncillo Unclassified Road sa Sitio Manalao, Agoncillo, Batangas; bahagi ng Tagaytay Taal Lake Road sa Brgy. San Jose, Tagaytay City, Cavite; at Indang-Alfonso via Luksuhin Road sa Ternate, Cavite habang impassable parin ang Misamis Oriental -Bukidnon – Agusan Road, Siloo Bridge sa Brgy. San Luis, Malitbog, Bukidnon.
Madz Moratillo