Halaga ng pinsalang iniwang ng bagyong Karding umabot na sa 135.09 milyong piso
Umabot na sa 135.09 milyong piso ang naitalang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Karding sa imprastraktura sa bansa.
Ayon sa Department of Public Works and Highways, sa kanilang assessment ang pinsalang iniwan ni Karding sa mga kalsada umabot sa ₱34.71 million, ₱22.39 million sa tulay, at ₱77.99 million naman sa flood-control structures.
Pinakamaraming nasirang imprastraktura ay sa Central Luzon na umabot sa 91.38 milyong piso, sinundan ng Cordillera Administrative Region na umabot sa ₱19.6 million ang pinsala; 12 milyon sa Western Visayas, sa Cagayan Valley naman ay ₱9.11 million; at 3 milyong piso naman sa Mimaropa.
Ayon sa DPWH, sa ngayon ay may ilang kalsada pa rin ang hindi madaanan sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.
Kabilang rito ang:Kennon Road sa Benguet, Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge sa Isabela at Nueva Ecija-Aurora Road, Diteki River Detour Road, at Baliwag Candaba – Sta.Ana Road sa Pampanga dahil sa baha at Egaña Bridge Sibalom, Antique dahil naman sa nag-collapse na steel bridge.
Ang Gapan Fort Magsaysay Road naman sa General Tinio Nueva Ecija ay limitado lang muna sa maliliit na sasakyan dahil sa mga natumbang poste ng kuryente.
Ang Candaba-San Miguel Road naman sa Pampanga ay passable lang sa malalaking sasakyan dahil sa baha, at sa Angeles-Porac-Floridablanca Dinalupihan Road naman sa Pampanga na hindi muna pwede ang maliliit na sasakyan dahil sa baha.
Madelyn Villar-Moratillo