Halaga ng tinapay di na mapipigilang tumaas
Kung magpapatuloy sa pagtaas ang halaga ng harina, mapipilitan ang mga panadero na itaas din ang presyo ng tinapay.
Batay sa ulat, umakyat na sa P1,030 ang halaga ng bawat sako ng harina mula sa dating P800 noong Disyembre, at ang Class A flour naman ay nasa P1,100 na ang bawat sako.
Ang presyo man ng asukal ay tumaas din at ngayon at P50 na ang kada kilo.
Kung magpapatuloy sa pagtaas ang harina, maaaring maging tatlong piso na ang bawat piraso ng pandesal mula sa kasalukuyang dalawang piso.
Una nang hiniling ng Phil. Baking Industry Group (PhilBaking) sa Department of Trade and Industry (DTI), na payagan silang magtaas ng presyo.
Nais nila na dagdagan ng P4.50 ang presyo ng bawat pakete ng Pinoy Tasty at P3.50 naman ang Pinoy Pandesal.
Kung papayagan, posibleng ipatupad ang dagdag presyo sa a-uno ng Pebrero at Abril 4.
Ang pagtaas sa halaga ng harina ay bunga ng mataas na demand subali’t kulang ang suplay.