Halaga ng upa ng COMELEC sa warehouse para sa vote counting machines hindi ibabawas sa cash deposits nina BBM ay VP Robredo

Hindi ibabawas sa cash deposits nina dating Senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo ang 5.6 million pesos na halaga ng upa ng COMELEC sa kanilang warehouse para sa vote counting machines.

Ito ay batay sa resolusyon ng Presidential Electoral Tribunal noong August 29 sa poll protest ni Marcos laban kay Robredo.

Paliwanag ng PET, hindi kasama ang nasabing gastusin sa retrieval at paghahatid ng mga ballot box patungo sa Supreme Court compound kung saan gagawin ang manual recount ng mga balota.

Alinsunod sa Rule 33 ng 2010 PET Rules, ang cash deposit na inilagak nina Marcos at Robredo ay gagamitin lang sa gugol sa transportasyon ng mga balota sa Tribunal at sa kompensasyon sa mga miyembro ng revision committee.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *