Half cup rice bill , inihain narin sa Kamara
Isinusulong narin sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas ukol sa half cup rice sa mga karinderia at restaurant.
Inihain ni House Assistant Majority Leader Congressman Keith Micah Tan ang House bill 9510 o Anti Rice Wastage Act.
Sinabi ni Congressman Tan ang orihinal na panukalang batas ay inihain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong siya ay Senador pa.
Ayon sa mambabatas layunin ng panukalang batas na obligahin ang mga food establishment na magbenta ng half cup rice upang maiwasan na masayang ang kanin.
Kung magiging ganap na batas ang mga food establishment na lalabag ay papatawan ng multang 5,000 pesos na multa sa unang paglabag, 10,000 pesos sa ikalawang paglabag at 20,000 pesos na multa at may kaakibat na suspensiyon ng permit to operate sa loob ng 30 araw sa ikatlong paglabag
Niliwanag ng Kongresista na hindi ipagbabawal ng kanyang panukalang batas ang unli rice basta kayang ubusin.
Batay sa record ng Philippine Rice Reseach Institute o PhilRice tone – toneladang kanin ang nasasayang kada taon.
Samantalang maraming mamamayan ang nakakaranas ng kagutuman dahil sa kakulangan ng makakain.
Vic Somintac