Half-cup Rice Policy isinusulong

Payag ba kayo na half-rice na lang ang serving sa mga food establishments?


Isinusulong kasi ng Philippine Rice Research Institute ang pagkakaroon ng mandated serving na half-cup rice sa mga food establishment sa buong bansa para mabawasan ang nasasayang na bigas.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan, sinabi ni PhilRice Development Communication Division Head Hazel Antonio, katumbas ng 10 grams kada tao o nasa 384,000 metric tons ang nasasayang na bigas kada taon.

Umaabot umano ito ng P 7-million ang halaga ng nasasayang na bigas.

Kaya aniyang mapakain ng nasasayang na bigas ang 2.5-million na Pilipino kada taon.

Kaya naman handa ang PhilRice na isulong sa Senado ang half-cup rice policy.

Binanggit ni Antonio na may 46 ng local ordinance sa iba’t ibang lugar sa bansa na nagmamandato sa mga restaurant na magbenta ng half-cup rice serving.

Rowenna Deimoy

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *