Halos 10 milyong Australians nabiktima ng massive hack
Posibleng nakompromiso ang sensitibong impormasyon ng halos 10 milyong Australian telecoms subscribers, sa nangyaring “massive hack” sa pangalawang pinakamalaking provider sa bansa.
Ayon kay Optus chief executive Kelly Bayer Rosmarin, “A “sophisticated” actor was behind a cyberattack, which gained access to information about up to 9.8 million users.”
Ang data na na-access ay kinabibilangan ng pangalan, birthday, phone numbers at email addresses ng customers, maging ang ilang driver’s license at passport numbers.
Wala namang nakuhang passwords o bank details ayon sa Singapore-owned firm.
Hindi pa malinaw kung ang atake ay nagmula sa isang state-based o criminal organization, pero sinabi ni Bayer Rosmarin na wala namang hininging ransom.
Aniya, “It’s too early to rule out any possibility and the police and the Australian government were investigating. We don’t yet know who these attackers are and what they want to do with this information.”
Nagbabala naman ang Australian Competition and Consumer Commission sa mga Australian na potensiyal na naapektuhan ng hack na ang bilang ay halos katumbas ng kalahati ng populasyon ng bansa, na sila ay nanganganib sa identity theft.
Ayon sa watchdog, “Optus customers should take immediate steps to secure all of their accounts, particularly their bank and financial accounts. You should also monitor for unusual activity on your accounts and watch out for contact by scammers.”
© Agence France-Presse