Halos 100% ng tourism workers sa bansa, bakunado na
Inihayag ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na halos 100% ng tourism workers sa bansa ay nabakunahan na, sa pakikipagtulungan ng National Task Force against Covid-19.
Ayon ss kalihim, noong ECQ at MECQ ay nakipag-ugnayan sila sa mga local government unit (LGUs).
Inisa-isa aniya nilang puntahan ang Boracay, Puerto Princesa, El Nido, Coron, San Vicente, Bohol, Cebu, at Siargao para tiyakin na magkakaroon sila ng alokasyon para sa bakuna.
Sinabi pa ni Romulo-Puyat, na sa Baguio ay matagal nang 100% bakunado ang tourism workers, kasama na ang pony boys at lahat ng maaaring maka-face-to-face ng mga turista.
Sa ngayon aniya ay 100% vaccinated na ang tourism workers sa San Vicente, Palawan habang 80% naman sa Bohol. Sa NCR, higit 90% ng tourism workers ay bakunado na.
Nagpasalamat naman ang kalihim ay vaccine czar Carlito Galvez at testing czar Vince Dizon.
Bunsod ng patuloy na pagbaba ng kaso ng Covid-19 sa bansa, inaasahang lalakas na ang turismo sa mga lalawigan habang posible namang ibaba pa sa alert level 2 ang Metro Manila.