Halos 1,000 bagong COVID-19 recoveries naitala sa CALABARZON
Mahigit 107,500 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, nadagdagan ng 959 ang naka-rekober na COVID patients sa rehiyon.
Samantala, umakyat sa halos 24,000 ang aktibong kaso ng sakit sa Region IV-A matapos makapagtala ng 594 bagong pasyente.
Nasa 3,600 naman ang pumanaw dahil sa virus sa CALABARZON kung saan 34 ang bagong namatay.
Sa kabuuan ay 135,224 ang nahawahan ng COVID sa rehiyon.
Ang Cavite ang may pinakamaraming active cases na 8,099.
Patuloy ang paalala ng mga otoridad na sundin ang minimum health protocols at suportahan ang vaccination program ng gobyerno para malabanan ang COVID-19.
Moira Encina