Halos 1,500 Healthcare workers sa Maynila, nabakunahan na kontra Covid-19
Umabot na sa 1,499 Healthcare workers sa Maynila ang nabakunahan na kontra sa Covid-19.
Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa kabila ng naging pangamba ng ilan sa Covid-19 vaccine ng Sinovac.
Ang CoronaVac ng Sinovac ng China kaso ang unang bakuna na dumating sa bansa at naipamahagi sa mga ospital sa bansa.
Ayon kay Mayor Isko, 1,500 karagdagan pang doses ng Sinovac vaccines ang ipagkakaloob ng gobyerno para sa Healthcare workers sa Maynila.
Nagkaroon ng pangamba ang ilang Health workers sa bakuna na ito dahil sa naging pahayag ng Food and Drug Administration na 50.4% lamang ang efficacy rate nito sa Healthcare workers.
Nitong Marso 1 sinimulan ang Vaccination program ng Gobyerno.
Ngayong dumating naman na sa bansa ang Astrazeneca vaccines, maaari nang magkaroon ng choice ang mga Health worker kung anong brand ng bakuna ang nais nila na maiturok sa kanila.
Sa kabila naman ng pahayag ng ilang eksperto na hindi epektibo sa South African Variant ang Astrazeneca vaccines tiniyak ng World Health Organization (WHO) na epektibo pa rin ang bakuna na ito.
Madz Moratillo