Halos 20 milyong Pinoy, nabuhay ng “below poverty line” noong 2021 – PSA
Hindi bababa sa 19.99 milyong Filipinos ang namuhay ng “below poverty line” noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ng PSA, na ang poverty incidence sa kalipunan ng populasyong Pinoy ay tumaas ng 18.1 percent kumpara sa 16.7 percent noong 2021. Gayunman, mas mababa ito kumpara sa 23.5 percent poverty incidence noong 2015.
Sinabi ni Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General, “This translates to around 19.99 million Filipinos who lived below the poverty threshold of about PhP 12,030 per month for a family of five.”
Inilarawan ng PSA na ang “subsistence incidence” o ang kita ay hindi sapat para matugunan kahit man lang ang pangangailangan sa pagkain. ”
Sinabi ni Mapa na ang naturang subsistence incidence “ay bahagyang tumaas sa 5.9 percent noong 2021.”
Aniya, “It was estimated that a family of five needs at least PhP 8,379 per month to meet their basic food requirements.”
Ayon sa PSA, nasa 3.5 milyong mga pamilya o 13.2 percent ang ikinukonsiderang mahirap noong 2021. Dagdag pa nito, ang 1.04 milyong mahihirap na mga pamilya sa bansa ay nabubuhay nang “below the food poverty line.”
Sinabi ng ahensiya, na ang subsistence incidence sa kalipunan ng mga pamilya ay 3.9 percent.
Noong 2018, ang poverty incidence ay mas mababa o 16.7 percent. Ang subsistence incidence sa nabanggit na taon ay mas mas mababa rin o nasa 5.2 percent kumpara sa 2021.
Gayunman, ang poverty incidence noong 2015 ay mas mataas na nasa 23.5 percent, at ang subsistence incidence ay mas mataas din o nasa 9.1 percent.