Halos 2000 napalayang heinous crime convicts, isinailalim na sa lookout bulletin order
Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iniutos na niya na ilagay sa immigration lookout bulletin order ang halos 2000 inmates na napalaya mula sa Bilibid dahil sa Good Conduct Time Allowance law.
Ayon kay Guevarra, lahat ng 1, 914 na Person Deprived of Liberty o PDLs na nabigyan ng release order ay nasa LBO na ng Bureau of Immigration.
Sa ilalim ng kautusan, pinamomonitor ng DOJ sa mga tauhan ng BI sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa ang galaw ng mga napalayang convicts na kasama sa listahan kapag magtangka ang mga ito na lumabas ng bansa.
Pero aminado ang kalihim na sa ilalim ng ILBO ay hindi maaring pigilan ang isang indibidwal na makaalis ng bansa.
Ulat ni Moira Encina