Halos 2,000 trabaho sa turismo, iaalok sa DOT- DOLE jobs fair
Aabot sa halos 2,000 job vacancies sa industriya ng turismo ang iaalok sa inisyal na tourism jobs fair ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Lumagda nitong Martes ang DOT at DOLE sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa
“Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Jobs Fair.”
Sina Tourism Secretary Christina Frasco at Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang nanguna sa MOU signing.
Sinaksihan ang paglagda ng iba pang mga opisyal ng DOT at DOLE.
Sa pamamagitan ng kasunduan, magsasagawa ng joint jobs fair ang DOT at DOLE para mapunan ang kakulangan sa manpower sa tourism industry dulot ng pandemya.
Ilulunsad ang tourism jobs fair sa Setyembre 22 hanggang 24 sa Pasay City, Cebu, at Davao.
Batay sa survey na isinagawa ng DOT sa halos 300 establisiyimento sa mga rehiyon sa bansa, nasa 1,500 ang bakanteng puwesto na karamihan ay full -time job posts.
Magtatagal ang jobs fair program hanggang sa Mayo ng susunod na taon na 50th founding anniversary ng tourism department.
Tiwala ang DOT at DOLE na malaki ang maitutulong ng jobs fair para makahanap ng trabaho hindi lang ang mga na-displace na tourism workers kundi maging ang mga bagong graduate at TESDA graduate.
Naniniwala rin ang mga nasabing kagawaran na malaking tulong ito sa patuloy na recovery ng tourism sector na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Moira Encina