Halos 300 abogado, maghahain ng petisyon sa SC para igiiit na mag convene ang Kongreso at rebyuhin ang Martial law

Nakatakdang maghain ng petisyon sa Korte Suprema ngayong araw ang mahigit 300 abogado para himukin ang dalawang kapulungan ng Kongreso na mag-convene at mag-joint session sa pag-review ng deklarasyon ng batas militar sa buong Mindanao.

Pahayag ito ni dating Solicitor General Florin Hilbay matapos na maghain ng reklamo sa Supreme Court ang mga miyembro ng magnificent seven ng Kamara para kwestiyunin ang constitutionality ng Martial Law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang paghahain ng reklamo kasama ang ilan pang mga miyembro ng magnificent seven ng Kamara, kanilang hinimok ang high court na i-nullify ang Proclamation No. 216 dahil ang Martial Law declaration umano ay walang sapat at factual na basehan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *