Halos 300 nominado bilang hukom sa 51 korte sa Ilocos Region at Cagayan Valley, pasok sa shortlist ng JBC
Natanggap na ng Malacañang ang shortlist ng mga nominado para sa judgeship position sa mga korte sa Regions 1 at 2.
Sa listahan na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC), ang shortlist ay para sa mga bakanteng puwesto ng hukom sa 51 first-level courts sa mga rehiyon ng Ilocos at Cagayan Valley.
Partikular na sa Municipal Circuit Trial Courts (MCTC), Municipal Trial Court in Cities (MTCC),at Municipal Trial Courts (MTC) sa Abra, Benguet, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Mountain Province, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Ifugao, Isabela, Kalinga, Nueva Vizcaya, at Quirino.
Halos 300 pangalan ng mga nominado ang isinumite ng JBC sa Palasyo para pagpilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang JBC ang may mandato na kumilatis at sumala sa mga nominado para sa mga bakanteng posisyon sa hudikatura at Offices of the Ombudsman and Deputy Ombudsman.
Moira Encina