Halos 300 pasahero na-istranded sa ibat-ibang mga pantalan sa Bicol Region dahil sa Bagyong Maring

Halos tatlongdaang pasahero ang istranded sa ibat-ibang mga pantalan sa Bicol Region dahil sa Bagyong Maring.

Batay sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard, kabuuang 296 pasahero sa mga Bicol ports ang di nakabiyahe; gayundin ang 16 na barko, isang motorbanca at 46 rolling cargoes bunsod ng masamang panahon.

Pinakamarami sa mga naitalang naistranded na pasahero ay sa Tabaco port sa Albay na umaabot sa 257; 32 rolling cargoes at walong barko.

May labing-lima naman na namonitor na stranded passengers sa Pasacao port sa Camarines Sur; labing-apat sa San Andres port sa Catanduanes; at sampu naman sa Virac port sa Catanduanes.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *