Halos 300 Pinoy na sakay ng chartered flight mula sa Lebanon nakabalik na sa bansa
Nakauwi na sa bansa ang aabot sa 290 Pilipino mula sa Lebanon na lumikas dahil sa gulo sa pagitan ng Israel at Hezbollah, lulan ng chartered flight.
Photo courtesy of DMW
Ayon sa Department of Migrant Workers, ang pinakamalaking batch ng repatriates ay binubo ng 233 OFWS na may 13 dependents, at 21 Pinoy na may 23 dependents.
Dahil sa panibagong grupo, kabuuang 903 OFWs na ang ligtas na nakauwi sa Pilipinas mula sa Lebanon sa pamamagitan ng voluntary repatriation program ng pamahalaan, mula noong nakaraang taon bunsod ng gulo sa Middle East.
Photo courtesy of DMW
Tumanggap ng mga tulong pinansiyal at iba pang assistance mula sa gobyerno ang mga Pinoy returnee.
Moira Encina-Cruz