Halos 3,000 Chinese nationals,napaalis ng bansa dahil sa paglabag sa kanilang visa
Umabot na sa halos 3,000 Chinese nationals ang pinaalis o binigyan ng order to leave ng Bureau of Immigration matapos mag over stay sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mula noong Enero hanggang Oktubre ng taong ito ay nasa 2,736 Chinese nationals na nabigyan ng visa upon arrival pero nag over stay sa bansa ang pinaalis ng BI.
Ang mga nabibigyan ng visa upon arrival ay hindi maaaring manatili sa bansa ng lagpas sa 30 araw.
Ayon kay Morente, mahigit kalahati ng mga napaalis ay inilagay na sa blacklist ng BI.
Ibig sabihin hindi na sila pwedeng bumalik sa Pilipinas.
Ang VUA program ay inilunsad 3 taon na ang nakakalipas upang makahikayat ng mas maraming Chinese tourists na bumisita sa bansa.
Pero nasuspinde ito noong Enero kasunod ng COVID-19 pandemic.
Madz Moratillo