Halos 3,000 kaso ng COVID-19, naidagdag sa CALABARZON
Lagpas 20,000 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa datos ng DOH Center for Health Development-CALABARZON, nadagdagan ng 2,935 bagong kaso ng sakit ang rehiyon nitong Abril 15.
Dahil dito, aabot na sa mahigit 113,000 ang kabuuang nahawahan ng virus sa Region IV-A.
Gayunman, nakapagtala ang rehiyon ng 2,127 bagong recoveries nitong Huwebes kaya mahigit 90,000 na ang pasyenteng gumaling.
May pumanaw naman na panibagong 96 COVID patients kaya umakyat na ito sa mahigit 3,000.
Sa kabuuan ay 20,267 ang active cases sa CALABARZON.
Ang Cavite ang may pinakamaraming aktibong kaso na nasa 7,600 at pangalawa ang Laguna na may mahigit 4,000.
Moira Encina