Halos 35 degrees celsius na temperatura, naitala sa Metro Manila

 

Bagamat hindi pa pormal na idinedeklara ang panahon ng tag-init sa bansa, nakapagtala na ng mataas na temperatura sa maraming lugar sa Pilipinas kasama na ang Metro Manila.

Ayon sa Pag-asa-DOST, naitala kahapon ang 34.7 degrees celsius sa Science garden sa Quezon City.

Ang Cotabato ang nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon na umabot sa 35.6 Celsius.

Sa Subic naman, umabot sa 35.4 ang temperatura at 35.2 degress celsius naman ang naitala sa Tuguegarao at Cabanatuan.

Ngayong araw, sinabi ng Pag-Asa na ridge of high-pressure area ang umiiral sa Northern Luzon habang Easterlies naman sa nalalabi pang bahagi ng bansa.

 

==============

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *