Halos 400 distressed overseas Filipinos sa Saudi Arabia, nakabalik na sa bansa
Pinangunahan ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang repatriation sa 380 distressed overseas Filipinos sa Saudi Arabia.
Sumakay ng chartered Philippine Airlines non-stop flight mula Jeddah hanggang Manila ang mga nasabing Pinoy.
Kabilang sa mga nakauwi ang 11 special medical cases kung saan ang siyam ay mga buntis.
Kasama rin sa repatriation ang 63 minor dependents kung saan kalahati ay mga sanggol.
Katuwang ng konsulado sa pagpapauwi sa mga Pinoy ang DFA-Office of the Undersecretary of Migrant Workers Affairs (DFA- OUMWA).
Tumulong rin para makabalik sa bansa ang distressed Filipinos ang Philippine Overseas Labor Office sa Jeddah at mga volunteer mula sa Pinoy community doon.
Moira Encina