Halos 4,000 kaso naresolba ng Korte Suprema ngayong taon
Umaabot sa halos 4,000 judicial cases ang nadesisyunan ng Korte Suprema ngayong taon.
Batay sa datos mula sa Office of the Clerk of Court-En Banc at Divisions Clerk of Court, kabuuang 3,975 ang case output ng Supreme Court mula Enero hanggang Disyembre 20, 2021.
Ayon pa sa datos mula sa SC, may 8,391 pending judicial cases sa pagsisimula ng taon, 3,603 bagong kaso at isang reinstated case o kabuuang 11,995 case input.
Pero dahil naresolba ang halos 4,000 kaso lumalabas na nasa 110% ang clearance rate ng Korte Suprema sa mga kaso.
Ibig sabihin ay nakasasabay ang SC sa pagresolba ng mga kaso sa mga incoming cases at nababawasan ang backlog ng mga kaso.
Bukod sa judicial cases, naaksyunan ng SC ang 1,176 administrative at bar matter cases ngayon ding taon.
Ilan sa malalaking kaso na dinesisyunan ng Supreme Court ay ang Anti- Terrorism law at ang poll protest case ni dating Sen. Bongbong Marcos.
Una nang sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na ilan sa pagtutuunan niya ay ang decongestion ng court docket at pagsulong ng technology-driven na hudikatura.
Moira Encina