Halos 5,000 megawatts projects ng ERC na makatutulong sana sa kakapusan ng power reserve sa Luzon Grid, nakatengga lang – Infrawatch
Mahigit kumulang sa 5,000 megawatts proposed project ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang ilang taon nang nakatengga sa ngayon na dapat sana ay nakatutulong upang maibsan ang kakulangan sa suplay ng kuryente.
Sa panayam kay Atty. Terry Ridon, convenor ng grupong Infrawatch, sinabi nito na ito ang isa sana sa mga paraan para maiwasan ang matinding kakapusan sa power reserve na nararansan ngayon sa Luzon Grid.
Ngayong araw, isinailalim na sa red alert ng National Grid Corppration of the phils (NGCP) ang Luzon grid kaninang alas-11:00 ng umaga at ngayong hapon simula alas-2:00 kanina at alas -4:00.
Ayon kay Ridon, ilan aniya sa mga proyektong kaniyang tinutukoy ay mga coal at renewable energy projects na dapat desisyunan na ng ERC at iba pang mga ahensya.
“Dapat makakuha at the very least ng signal ang ating mga kawani at opisyal sa kuryente at dapat talagang paspasan na nila dahil kung unacceptable ang krisis sa tubig, hindi rin katanggap-tanggap ang nakaambang krisis sa kuryente. Hindi ito singular peoject na nakatengga kundi maraming proyektong nakatengga na dapat desisyunan na ng ERC”.