Halos 600 milyong pisong pondo, inilaan ng DA para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Rolly
Nasa halos 600 milyong pisong pondo ang inilaan ng Department of Agriculture (DA) para sa mahigit 32,000 mga magsasakang naapektuhan ng bagyong Rolly sa Bicol region.
Ito ay sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) .
Samantala, pinangunahan ni Agriculture secretary William Dar ang pamamahagi ng 90 miyong pisong halaga ng iba’t -ibang ayuda sa apektadong magsasaka at mangingisda sa Polangui, Albay.
Kabilang sa ayudang tinanggap ng mga apektadong magsasaka at mangingisda ay binhi ng hybrid rice, mais at ibat ibang uri ng gulay, urea fertilizers, farm implements, fishing gears at paraphernalia.
Ang PCIC insured na mga magsasaka at mangingisda sa bicol region ay makatatanggap ng insurance claims mula 10,000 piso hanggang 15,000 piso para sa kanilang crops, farm equipment, fishing boat at gears na sinira ng bagyo.
Sinabi pa ni Dar na maaari ding makapag-avail ang mga naapektuhang magsasaka at mangingisda ng Emergency at Rehabilitation loan na nagkakahalaga ng 25,000 piso mula sa Agricultural Credit and Policy Council o ACPC ng DA sa ilalim ng Survival and Recovery o SURE Loan Program.
Ang loan ay walang collateral, walang interest at maaaring bayaran sa loob ng 10 taon.
Belle Surara