Halos 700 inmates sa Leyte Regional Prison naturukan ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19
Kabuuang 682 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Leyte Regional Prison (LRP) ang nabakunahan ng unang dose ng anti-COVID-19 vaccines.
Ayon sa Bureau of Corrections, naturukan din ng unang dose ng bakuna ang 65 tauhan ng LRP habang may dalawang staff na nakatanggap ng second dose.
Naisakatuparan ang COVID vaccination program sa kulungan sa pakikipagtulungan ng Health Services Division ng LRP sa LGU ng Javier, Leyte, Municipal Health Office ng Abuyog at sa DOH Regional Office VIII.
Target ng pamunuan ng LRP na maturukan laban sa COVID ang lahat ng mga tauhan at prison population nito bilang suporta sa hakbangin ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat pa ng pandemya.
Moira Encina