Halos 700 traffic enforcers, ipakakalat ng MMDA at Manila Traffic Bureau sa idaraos na Worldwide Aid to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo sa linggo. Alternatibong ruta para sa mga motorista,, inilabas na
Eksakto 12:01 ng madaling araw sa Linggo (July 15), isasara na ng MMDA sa trapiko ang ilang pangunahing kalsada sa paligid ng Luneta Park para bigyan daan ang isasagawang Worldwide Aid to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo na magsisimula nang ala sais ng umaga.
Kabilang na rito ang kahabaan ng Road10 mula Moriones hanggang Delpan bridge.
Kahabaan ng Bonifacio drive mula Delpan bridge hangang Katigbak drive.
Isasarado rin ang Roxas Bvld mula Katigbak Drive hangang P. Ocampo.
East at west bound ng P. Burgos mula Lagusnilad hangang Roxas bvld.
Kahabaan ng Finance road mula Taft Avenue hangang P. Burgos
At ang west bound lane ng TM Kalaw at President Quirino mula M.H Del Pilar hanggang Roxas Bvld.
Pero Sabado pa lang ng ala sais ng gabi , mauuna nang isasara ang ilang kalsada sa paligid ng Manila hotel at Luneta Park hotel para sa gagawing preparasyon ng INC sa aktibidad
Kasabay nito, naglabas din ang MMDA ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista na di maiwasang magtungo sa lugar.
Sa mga mgamumula sa southbound lane ng Road10 patungong Bonifacio drive ay maaring kumaliwa patungong Moriones street.
Sa mga magmumula naman sa Pasay na dadaan sa Roxas bvld maaring kumanan sa P.Ocampo o gamitin ang service road ng Roxas bvld.
Sa mga motorista naman na maggagaling sa Quezon, Mc Arthur at Jones bridge, maaring dumeresto sa Taft avenue patungo sa destinasyon.
Maari rin dumaan sa Taft avenue ang mga sasakayan na magmumula sa Ayala bridge
Sa mga mangagaling sa west bound lane ng President Quirino Avenue maaring kumaliwa sa Mabini street patungo sa destinasyon.
Para maibsan ang matinding traffic sa lugar, magdedeploy ang MMDA ng 457 traffic enforcer para umalalay sa mga motorista.
Ang Manila Traffic Bureau naman magpapakalat din ng 200 enforcers para tumulong sa MMDA.
Magdedeploy rin ang MMDA ng mga emergency unit, ambulansya at mobile patrol unit.
Ang PNP naman ay magdedeploy rin ng mga pulis para magbigay ng securidad sa aktibidad ng INC.
Ulat ni Mar Gabriel