Halos 7,000 Pinoy nailigtas ng BI sa posibleng human trafficking – DOJ
Kabuuang 6,788 Pinoy na posibleng biktima ng human trafficking, naharang ng Bureau of Immigration (BI) mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang nasabing bilang ay mula sa mahigit isang milyong Pinoy na lumipad sa ibang bansa.
Limamput- pito sa mga Pilipino na naharang ng BI ay itinuturing na “likely victims” ng human trafficking habang ang nalalabi ay dahil sa hindi kumpleto, hindi tama at mis-represented na mga dokumento.
Sinabi ng DOJ na marami sa mga ito ay vulnerable sa human trafficking kung pinayagan na umalis pa- abroad.
Nanindigan ang kagawaran na ang Departure Formalities kasama ang iba pang anti- trafficking measures ay epektibo upang mahadlangan ang pag-alis ng mga Pinoy na maaaring mabiktima ng traffickers.
Nagresulta rin umano ito para masampahan ng kasong kriminal ang human traffickers.
Inihayag pa ng DOJ ang ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nagkaroon ng “significant drop” o pagbaba sa bilang ng mga Pilipino na posibleng trafficking victims na humingi ng tulong sa kanila.
Moira Encina