Halos 900 inmates sa NBP na food poison

Mahigit na 900 inmates sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ang nakaranas ng food poisoning.

Inutos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Bureau of Correction Chief Benjamin delos Santos na tignan kung contaminated ang tubig o mula sa caterer ang food poisoning.

Humingi rin ng tulong si Aguirre sa Department of Health para matignan ang pagkain na nakalason sa mga inmate.

Ayon kay Aguirre nagdulot ang kinain nilang bangus ng diarrhea sa canteen ng national penitentiary.

Dinala ang mahigit na 600 inmates sa NBP hospital dahil sa sakit habang 150 pa rin ang naka confined.

Hindi naman inisip ni Aguirre na planado ang naging pag lason sa mga inmates.

Inatasan din ni Aguirre si delos Santos na bantayan ang sitwasyon ng inmates at dalhan ng kanilang mga pangangailangan.

Dagdag pa ni Aguirre dapat ay pinangungunahan ng mga awtoridad ng NBP at mga brigade leader ang kalinisan at kaligtasan ng mga inmates.

Nagbigay naman  ng ₱25,000 ang NBP food supplier para makatulong sa  gastusin ng mga nagkasakit.

Ulat ni : Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *