Halos 9,000 liters ng oily water mixture at mahigit 100 sako ng oil contaminated debris nakuha sa nagpapatuloy na oil spill clean up
Patuloy pa rin ang ginagawang paglilinis ng mga awtoridad sa kumalat na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG) umabot na sa 9,463 litro ng oily water mixture at 115 na sako ng oil contaminated materials ang nakolekta sa mga karagatang apektado ng oil spill.
Sa mga baybayin naman, nasa 137 sako ng oil contaminated materials ang nakolekta nitong Marso 26.
Sa kabuuan, nasa 3,514.5 na mga sako at 22 drums ng basura ang nakolekta, mula sa 13 barangays sa Naujan, Bulalacao, at Pola, sa Oriental Mindoro, mula noong Marso 1 hanggang 26, 2023.
Madelyn Moratillo
Please follow and like us: