Halos isang milyong katao, nabakunahan na ng Chinese COVID-19 vaccine
BEIJING, China (AFP) — Halos isang milyong katao na ang nabigyan ng experimental coronavirus vaccine na dinivelop ng Chinese company na Sinopharm, bagama’t ayon s akompanya ay hindi pa sila nakapagbibigay ng malinaw na clinical evidence ng bisa nito.
Simula pa noong July, ang China ay nagbigay na ng experimental Covid-19 vaccines sa mga tao, na kinabibilangan ng mga empleyado ng gobyerno, international students at essential workers na papuntang abroad.
Ayon sa chairman ng Sinopharm, halos isang milyong katao na ang nabigyan ng bakuna “for emergency use,” ngunit hindi siya nagbigay ng tukoy na bilang.
Sinabi ni Liu Jingzhen sa isang panayam na muling inilathala noong Miyerkoles ng kompanyang pag-aari ng gobyerno, na wala pa silang natatanggap na kahit isng report ng severe adverse reaction, at may kakaunti namang nakaranas ng ilang mild symptoms.
Positibo ang China tungkol sa development ng kanilang bakuna para s abagong virus, na unang lumitaw sa sentro ng bansa sa huling bahagi ng nakalipas na taon, at apat na bakuna na ang ngayon ay nasa late-stage ng pagsubok.
Marami sa trials ay sa ibang mga bansa isinasagawa.
Nagsasagawa ngayon ang Sinopharm ng late-stage trials sa dalawang vaccines sa mga bansang kinabibilangan ng United Arab Emirates (UAE), Bahrain, Egypt, Jordan, Peru at Argentina.
Pag-aangkin pa ng kompanya, sila ang nangunguna s abuong mundo sa lahat ng aspeto ng vaccine development, subalit hindi ito nagbigay ng clinical evidence mula sa ongoing trials.
Sa halip, binanggit nito ang anecdotal experiences mula sa mga tapos nang bakunahan na kinabibilangan ng construction personnel, diplomats, at overseas students, na nagsabing bumisita ang mga ito sa higit 150 mga bansa matapos bakunahan nang hindi nahahawa.
Lumakas ang kompetisyon sa kalipunan ng pharmaceutical companies na nagmamadaling maka-develop ng isang COVID-19 shot, at dalawa sa mga bakunang ito ay dinidivelop ng US company na Pfizer at ng German partner nito na BioNTech, at ng US firm na Moderna, na kapwa naglathala ngayong buwan ng large-scale trial data na nagpapakitang ang kanilang vaccines ay nasa 95 percent effective laban sa COVID-19.
© Agence France-Presse