Halos isanglibong indibidwal stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas dahil kay Paeng
Umabot na sa 989 mga pasahero, drivers, at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas dahil sa epekto ng bagyong Paeng.
Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), may 478 rolling cargoes, at 11 vessels din ang stranded.
May 42 vessels at 6 motorbancas naman ang naka-shelter bilang pag-iingat.
Tiniyak naman ng PCG ang 24 oras na monotiring at may mga nakahanda na silang tauhan sakaling kailangang tumugon sa mga emergency situation.
Una rito kinansela na ang byahe ng mga sasakyang pandagat sa mga lugar na may nakataas na tropical cyclone warning signal.
Madelyn Villar Moratillo
Please follow and like us: