Halos lahat ng campaign promises ni Pangulong Rodrigo Duterte, natupad na – PCOO

Halos natupad na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga campaign promises noong 2016.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief Secretary Martin Andanar, nadeliver na ng Pangulo ang kaniyang pangako sa drugs, criminality, corruption at peace and order.

Sa kaniyang pangunahing kampanya na War on Drugs, mula sa dating mababang presyo, nasa 3,800 pesos na ngayon per gramo ang presyo ng shabu sa merkado.

Bumagsak naman ang crime volume sa bansa ng 9 percent at inaasahan pang bababa pa ito ngayong 2019.

Habang ang anti-corruption naman ay nasa plus 12 percent, pinakamataas simula noong 2013 batay na rin sa inilabas na report ng Transparency International.

Bukod pa ito sa mga mahahalagang batas na nalagdaan kamakailan ng Pangulo.

Yung shabu sa merkado mula sa dating 2,000 at 3,800 na per gram. Number 2 yung problema natin sa kriminalidad ay bumagsak na ng ilang porsyento year on year and we are expecting to drop more this year. Pagdating naman sa peace and order kung titingnan talaga eh na-ratify na ang Bangsamoro Organic Law so nadeliver na rin niya yan. Ang ating corruption index ay nasa plus 12 percent, pinakamataas since 2013. Kaya ang pangako ng Pangulo noong 2016, Drugs, Criminality, Corruption, Peace and Order, nadeliver na niya lahat yan sa loob lamang ng 3 taon”.-PCOO Sec. Martin Andanar

 

=================

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *