Handang imbestigahan ng Senado ang alegasyon ng katiwalian sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board
Ito’y kung ahensyang seryosong magsisiyasat sa sinasabing lagayan sa LTFRB kapalit ng umanoy mga bagong ruta, prangkisa at iba pang pabor sa mga transport groups
Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel maghahain siya ng resolusyon kahit pa binawi na ng dating opisyal ng LTFRB na si Jeff Tumbado ang alegasyon laban sa dating boss na si suspended LTFRB chairman Teofilo Guadiz III.
“Pag walang mag-take charge then Senate should come in because of the public interest issue. Mag monitor lang ang office ko. If no one seriously pursues this issue then i will file a reso for the Senate to investigate this.” pahayag ni Senador Koko Pimentel
Duda naman si Senador Grace Poe sa ginawang pagbawi ni Tumbado sa kaniyang mga naunang paratang.
Dapat aniya itong imbestigahan para alamin sino ang nag-udyok sya kanya para lumantad pero bawiin ang mga naunang paratang
Dapat rin itong kasuhan sakaling walang basehan ang kaniyang mga pahayag
“Kaduda-duda na nag-retract, ano ang tunay na dahilan na binawi ito dapat imbestigahan bakit niya binawi ang kaniyang salaysay, kasuhan siya kung walang basehan at tignan kung may nag udyok sa kanya na bawiin ang kaniyang mga naging alegayson sabi nga kung may usok malamang may nasusunog.” pahayag ni Senador Grace Poe.
Ang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Senador Francis Tolentino, hihintayin muna ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Transportation o DOTr.
Maaari aniya silang magsagawa ng moto propio investigation kapag walang malinaw na aksyon ang DOTr
“Let the DOTr department conduct its own internal investigation on the matter. We trust that secretary Bautista will be doing his job. Medyo busy pa siguro sila ngayon kasi they are on the brink of having a new, which is very important, commandant of the Philippine Coast Guard and in the next 4 days siguro iyon. So palagay ko hindi pa masyadong natutukan ng DOTr iyon.” paliwanag ni Senador Francis Tolentino.
Meanne Corvera